Saturday, 8 March 2014

Sinong bahala kay Batman?

Pilosopo daw ang mga Pilipino. Hindi yung gradweyt ng unibersidad ah. Pilosopo as in pilospo. Wahahahaha! Na kapag tinanong mo, malayo ag sagot o kaya nambabara. O ibabalik sayo ang tanong. Yung tipong ninuno sa alak alakan yata ni Vice Ganda. Booom! 

Tunay namang marami tayong pinagdadaanan sa araw araw. Mga bagay na hindi natin alam kung pano lalampasan. Mga pagsubok na parang walang katapusan. Kaya ang magagawa nalang natin ay bumuntong hininga at mapasabi nang 'bahala na'. Para bang yung kanta ng Air Supply na umaalingawngaw tuwing linggo, 'come what may' = bahala na.

Gaya ng madaming bagay sa mundo, may tinatawag na ebolusyon. Ika nga'y pagbabago at transpormasyon ng mga bagay bagay. Ang 'bahala na' ay naging 'Bahala na si Batman'.Madalas mo itong maririnig sa mga kritikal na sitwasyon - kaorasan ng eksamen at hindi nakapagaral ang estudyante dahil naadik sa Game of Thrones o nagpuyat dahil sa DOTA; iniwan ng syota matapos ang mahabang taon ng pagsasama dahil nakakita  ng ibang mas higit pa kuno; utang na hindi mabayad bayaran at marami pang iba.

Ang tanong dito eh, bakit si Batman? Si Batman na walang malay, na ang tanging kasalanan ay maging sikat na komiks persona at top grossing sa mga pelikula. Pwede namang si Superman, o kaya si Lastikman, o kaya si Captain Barbel o kaya si Zuma. Pero bakit nga ba si Batman? O pwedeng namang ako! Yey! *Pis*

Naisip ko lang baka kasi maganda pakinggan. Medyo mahaba kasi pag Superman o kaya Captain Barbel. Mashado namang maikli kung Zuma o Boy Bawang. Pwede din, na sa lahat ng 'super hero' si Batman ang sadyang may dating at kakaiba. Wala naman talaga syang super powers gaya ng sinasabi na siya'y 'super hero'. Gadgets lang. Machines. Ang yaman kasi netong si Batman. Si Iron Man naman sa kabilang banda eh 
mayaman at may 'machine'. So, eto na ang parangal kay Batman. Bahala na si Batman.

Bahala ka na nga daw samin Batman. Sa kabilang banda, sumagi din naman sa malikot at mapurol kong 
isipan, kung 'BAHALA NA SI BATMAN', eh sinong bahala kay Batman? Hindi ba mashadong unfair na bahala sya sa lahat tapos walang bahala sa kanya? Ang lungkot naman nun. Samakatuwid, hindi maaring mapagod o magpahinga si Batman kasi nga sya ang bahala sa mga Pilipino. Nasa Pinas man o wala. Dito dadating ang pangangailangan sa teleportation. Kelangan everytime na may magsasabing 'bahala na si batman', may special appearance sya para i-comfort ang taong nagsabi nito at i-assure na talagang sya 
ang bahala. Kawawang Batman. Paniguradong kelangan nya madaming multivtitamins para mapagsilbihan ang libo libong Pilipino na nagsasabi neto. Take note, across the world. Kelangan mabilis din syang makasagot at maakapagbigay ng words of wisdom para matauhan kagad ang taong nagsabi ng 'bahala na si 
batman' tapos bigla na din syang maglalaho. Power!

So, ayun na nga. Sinong bahala kay Batman? Tulungan naman natin sya mga dude. Pwede bang si Superman ang bahala kay Batman? O kaya si Spiderman? O Captain America? Pwede bang mamili si Batman ng bahala sa kanya? O mawawalan na din sya ng choice gaya ng pagpili ng mga Pinoy sa kanya. At kung may 
choice si Batman kung sino ang papalit sa kanya sa salitang 'bahala na si batman', sino kaya yun? Si Catwoman ba o Wonderwoman? O si Super Inggo? Para kasi talagang he was left with no choice. Ansaklap lang! 

Hayy bahala na nga si Batman!













No comments:

Post a Comment